Songs from Seven Years Ago
Yesterday, nakakatawa lang sa office, andami naming nag-change career. :) Dahil tuloy dun, mas naappreciate ko ‘yung work na ginagawa ko everyday.
Anyway, ang nakakatuwa lang kasi narinig ko ulit ‘yung mga songs na seven years ago ko pa pinapakinggan hanggang sa nawala na siya sa playlist ko at nakalimutan ko na tapos nung narinig ko ulit siya naalala ko ‘yung part ng buhay ko na nirerepresent ng kantang ‘yun.. (Parang sa The Room lang eh)
Nakapagtataka - Sponge Cola
Naaalala ko talaga dito yung first year college. Ewan ko ba, this past week, sobrang namimiss ko yung mga classmates ko nung college. Iilan na lang kasi sa kanila un nakakausap ko. So, aun nga, first year college - at pinakikinggan ko to sa cell phone ni Luisa habang pumipila kami sa napakahabang pila ng enrollment sa PUP for second semester ng 1st year. Aun, at yung mga times na nakasakay ako sa patok jeep at pinapatugtog din toh. (Emo times) I realized ang ganda pa din ng song na toh kahit na sobrang daming panahon na ang lumipas at nagwowork na ako ngayon. At nakakamiss sumakay ng patok jeep. :-) Naalala ko lahat ng mga paghihirap ko at kasiyahan na nangyari nung college. Minsan talaga, mas magandang maalala mo kung ano yung mga pinagdaanan mo para marealize mo kung gaano kahalaga yung mga nakamit mo ngayon. Kasi minsan, andito na ako, pero I’m taking for granted lahat ng meron ako. Masaya maalala na dati, eto lang yung mga dreams ko tapos ngayon, andito na ako. Nakakamiss nga lang. Masarap balikan yung college days. At isipin kung saan ako dapat pumunta ngayon.
Ikaw Pa Rin - Juana
Siyempre, una ko ‘tong napakinggan sa Campus Radio. Pero ang pinakanaalala ko talaga nung pumunta kaming UP Fair at tumugtog ‘yung Juana. Eto ‘yung kinanta nila. Aun lang, siguro naalala ko lang ‘yung experience ng UP Fair at ‘yung moment ng lead singer ng Juana - na sobrang damang-dama niya ung song na to habang kinakanta ninya.
Those were good times. Good times. And I realized, gaano pa katagal nung mga kantang to, masarap pa din balik-balikan. Oo, pwedeng gusto nila ng Oppa Gangnam Style at Gentleman ngayon pero after five years, babalikan pa ba nila yun?




